Mga bus terminal sa Pasay City, nagdulot ng trapik sa Aurora Boulevard

Mabagal ang usad ng mga sasakyan sa kahabaan ng Aurora Bouelevard sa Pasay City, lalo na ang mga sasakyan na papalabas ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) dahil dalawang bus terminal ang nasa hilera ng nortbound ng Aurora Blvd o tramo sa Pasay City ang patungo sa EDSA.

Dahil naman sa terminal ng Partas at Five Star, kung saan maraming pasahero ang bumababa, ang nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapik sa tramo, bukod pa sa mga bus na labas-pasok ng mga terminal.

Sa Partas sa Pasay City na karamihan ng biyahe ay pa Norte ay hindi pa naman fully booked at may biyahe pa para sa araw na ito para sa mga mag-wa-walk-in, samantala, fully booked na ang reservation para sa mga biyaheng La Union, Vigan, Laoag, Abra, Bangued, Isabela, at Tuguegarao hanggang bukas.


Habang sa Five Star naman ay may mga slot pa para sa reservation ng mga biyaheng pa-Cabanatuan, Pangasinan, at Tarlac. Kahit may mga slot pa ang mga biyahe ngayong araw ay mahaba na ang pila sa terminal.

Facebook Comments