Matapos ang nagdaang BSKE at Undas ngayong taon, nagsisibalikan na ang mga taong nagsi-uwian sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa mga bus terminals sa Dagupan City, ngayong araw November 3 hanggang sa linggo ang inaasahan nilang pagdagsa ng mga bakasyunista at turista na uuwi na sa kani-kanilang mga destinasyon.
Ayon naman sa ilang pasahero na pabalik na sa kanilang destinasyon ay kailangan na anilang bumalik dahil upang hindi na maabutan ng rush na biyahe at dahil magsisibalikan na anila sa kani-kanilang trabaho.
Dahil sa posibleng dagsa ng tao ay nakaantabay naman ang mga kawani ng kapulisan sa bawat terminal ng bus upang bantayan ang seguridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments