MGA BUS TERMINALS SA PANGASINAN, INAASAHANG DADAGSAIN SA PAPARATING NA HALALAN

Inaasahan na ang muling pagdagsa ng mga byaherong babyahe upang makauwi at makaboto sa lalawigan ng Pangasinan sa paparating na halalan sa Lunes.
Ilang bus company sa lungsod ng Dagupan ang naghahanda sa posibleng pag-apply ng special permit upang mag serbisyuhan ang mga mananakay.
Ramdam na rin Umano ang epekto ng pagkakasuspinde ng Pangasinan Solid North Bus na may mga byahe rin sa lalawigan matapos masangkot ang isa nitong unit sa isang aksidente sa SCTEX, kung kaya’t plano itong mapunan sa paparating na halalan.
Tiniyak naman ng awtoridad na patuloy ang pagbabantay sa mga terminal at iba pang matataong lugar sa probinsya.
Ang lalawigan ng Pangasinan ay may 2.1 milyong botante kung saan marami rin sa mga ito ay nagtatrabaho pa sa ibang lugar at nakatakdang bumoto para sa inaasahang pagbabago.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments