Mga business establishment na hindi sumusunod sa minimum health standards, sususpindihin ng Pasig City Government

Mas pinaigting pa ng Pasig City Government ang kampanya laban sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagbibigay ng suspensyon ng 7 araw sa mga business establishment na hindi tumutupad o sumusunod sa minimum health standards.

Ayon kay Pasig City Administrator Atty. Jeronimo Manzanero, inatasan ng Local Government Unit (LGU) ang lahat ng mga business establishment sector na dagdagan pa ang kanilang pagbabantay upang matiyak na natutupad ang ipinaiiral na minimum health standards dahil sa umabot na sa 12,103 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, 508 ang active, 449 ang nasawi at 11,146 ang mga gumaling o nakarekober.

Paliwanag ni Atty. Manzanero na ang mga inspector ay agad-agad mag-i-isyu ng Notice of Violation o suspension ng kanilang business permit sa establishments na makitaan ng paglabag sa ipinatutupad na minimum health standards.


Papatawan ng pitong araw na suspensyon ang mga lumalabag hangga’t hindi nila maipatutupad o masunod ang pananatili ng minimum health protocols sa kanilang lugar.

Facebook Comments