Mga business transaction sa government agencies, target ng ARTA na gawing 10 minutes na lang ang proseso ngayong 2024

Puntirya ng pamunuan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na maging 10 minuto na lamang ang iiral na proseso ng mga transaksyon sa mga sangay ng gobyerno sa bansa ngayong 2024.

Sa press conference sa UP Diliman, Quezon City, sinabi ni ARTA Secretary Ernesto Perez na posibleng maging 10 minutes na lamang mula sa kasalukuyang 25 hanggang 30 minutes ang business transactions sa mga ahensiya ng gobyerno at LGUs.

Kabilang dito ang pagkuha ng permits dahil sa pag-streamline at pag-digitilized ng mga transaksyon na ipinaiiral ng mga nabanggit.


“Impossible for them not to comply with the ease of doing business sa mga transaksyon sa gobyerno dahil marami na ang automation ang proseso ng mga operasyon” sabi ni Perez.

Anya sa Metro Manila pa lamang, 11 LGUs na ang fully complied at ang limang iba pang LGUs ay partially automated na.

Inihalimbawa nito ang 4th level LGU sa bansa na San Roque Eastern Samar pero ito ay partially automated na.

Sinabi ni Perez na tinutulungan ng ARTA ang ibang LGUs na mabigyan ng mga computers at trainings sa tulong ng ilang pribadong kompanya.

Facebook Comments