MGA BUTO NG ISANG TAO, NAKITA SA IRIGASYON

Nadiskubre sa isang irigasyon ang mga buto ng isang tao sa Barangay Luna, Natividad, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Natividad Police Station, isang lalaki na magpapastol lamang sana ng alagang baka nang mapansin sa naturang lugar ang bungo ng isang tao.

Agad na nagsagawa ng search and retrieval operation ang hanay ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) and Philippine Coast Guard (PCG) SRPC San Manuel, Pangasinan at dito na rin narekober ang iba pang buto ng kawatan ng tao.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan para sa pagkakakilanlan ng mga natagpuang buto ng tao na agad namang dinala sa punerarya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments