Mga byahe ng pangulo sa ibang bansa, nakatutulong sa pagbaba ng unemployment rate ayon sa president ng ECOP

Malaki ang naitutulong nang mga byahe ng pangulong sa ibang bansa pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Sergio Ortiz Luis ang presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa Laging Handa briefing.

Aniya, kapag nakikilala at nakakausap ng pangulo ang mga international investor sa mga byahe nito sa ibang mga bansa ito ay positibong hakbang para magkaroon ng mas maraming trabaho sa Pilipinas.


Nagkakaroon daw kasi ng tiwala ang mga investors na maglagak ng negosyo sa Pilipinas kapag mismong pangulo ang naka-business meeting nila.

Dahil dito, sang-ayon si Sergio Ortiz Luis sa pahayag ng pangulo na on-track ang pamahalaan sa pagpapataas ng ekonomiya ng bansa dahil sa pagkakaroon ng mas maraming job opportunities.

Sa katunayan ayon kay Luis, ngayong taon ay may 1 million job offers ang pamahalaan matapos na magtulungan ang gobyerno at mga pribadong kompanya para dito.

Facebook Comments