Mga byahe sa eroplano sa Mactan Airport balik na sa normal

Maayos na naipalam ng Mactan Cebu International Airport ang temporaryong pagsasara ng ilang bahagi ng runway kaninang madaling araw para sa pagsisimula ng maintenance at repair sa runway ng airport .

Mahigit 20 mga domestic at international na mga biyahe ang kinansela kaninang madaling araw , habang ang iba ay naantala dahil sa ginawang repair sa paliparan .

Ayun sa Public Communications Officer ng MCIAA na si Mary Ann Dimabayo umabot sa 710 na metro ang bahagi ng runway na isinailalim sa repair at inaasahang matatapos ito sa susunod na dalawang buwan .


Facebook Comments