Manila, Philippines – Hihingan ng kanya-kanyang panig ang mga miyembro ng gabinete sa gitna ng special session bago tuluyang pagdebatehan ng mga mambabatas ang martial law extension sa Mindanao.
Paliwanag ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, tulad noong una sa kanilang binuong committee of the whole na tumalakay sa martial law , ipinatawag din nila ang mga cabinet members particular ang defense department para magbigay sa kanila ng security briefing.
Sakali man ay posibleng gagawin itong executive session dahil sensitibo ang mga bahagi ng security na paguusapan lalo na sa Mindanao.
Dahil sa security briefing ay inaasahang mainit ang debate.
Hindi makapagbigay ng tantiya si Fariñas kung gaano katagal aabutin ang special session.
Posible umanong abutin ito ng gabi pero hindi hahayaang umabot sa oras na magpaso ang 60 day period na inisyal na implementasyon ng proclamation 216.