Mga cabinet official, pulis at sundalo – pinagbawalan ni PRRD na mangampanya

215

Manila, Philippines – Pinagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang miyembro ng kanyang gabinete na ikampanya ang sinumang kandidato sa nalalapit na May 2019 midterm elections.

Ito ay upang maiwasan ang mga akusasyong ginagamit ang pondo ng gobyerno para sa pangangampanya.

Nais din ng Pangulo na maging ‘neutral’ ang mga sundalo at pulis.

Samantala, ipinakilala na ng Pangulo ang mga kandidatong susuportahan niya sa nalalapit na eleksyon.

Ito ay sina dating Special Assistant to the President Bong Go, dating Political Adviser Francis Tolentino, dating PNP Chief Ronald Dela Rosa at mang-aawit na si Freddie Aguilar.

Facebook Comments