MGA CALASIAO PUTO PRODUCER AT VENDORS, HINDI MUNA MAGTATAAS NG PRESYO SA KABILA NG PAGTAAS NG PRESYO NG BIGAS

Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng bigas hindi muna umano magtataas ng presyo ang asosasyon ng mga Calasiao Producers and Vendors.
Bigas ang pangunahing sangkap sa pagluluto ng puto na ibinibenta ng mga vendors sa bayan ng Calasiao at maging sa lalawigan ng Pangasinan kung kaya’t malaki ang epekto ng pagtaas ng presyo nito sa kanilang pagtitinda at dagdag pa ang matumal na benta ng puto sa ngayon.
Ayon naman sa mga nagtitinda ng puto, dapat na itaas na umano ang presyo ng kanilang produktong puto dahil sa taas ng presyo ng bigas at ilan pang mga sangkap na kanilang ginagamit sa paggawa nito.

Kaunti na lamang ang kanilang tinutubo dahil bumabalik rin umano sa puhunan ng pagbibili ng mga sangkap ng puto.
Ayon sa Calasiao Puto Producers and Vendors Association, hindi sila magtataas ng presyo dahil dadaan muna ito sa masusing pag-uusap kasama ang mga miyembro ng asosasyon at saka lamang malalaman kung may pagtaas o pagbaba sa presyo ng produktong puto.  |ifmnews
Facebook Comments