Mga campaign blog at social media post ng mga kandidato sa 2019 elections, ire-regulate na

Manila, Philippines – Ikokonsidera ng Commission on Elections (Comelec) na karagdagang campaign blogs o pages ang mga blog o social media page na hindi direktang pinangangasiwaan ng isang partido o kandidato pero nag-eendorso naman ng kandidato o partido.

Pero nilinaw ng Comelec na kahit ‘unregulated’ ang paggamit ng social media sa bansa at libre ang distribusyon ng mga campaign material sa internet ang tanging magagawa nila ay mahigpit na i-monitor ang mga magastos na website na may maayos na production video o may mga artista bilang endorsers.

Giit ng Comelec, alinsunod sa Resolution 10488 dapat nang iparehistro ng mga kandidato at political party sa education at information department ng poll body ang lahat ng kanilang website at social media page na ginagamit o gagamitin sa kampanya.


Mababatid na ito ang unang beses na i-re-regulate ng Comelec ang mga campaign blog at social media post.

Facebook Comments