Mga campaign materials na wala sa common poster area, hindi palalampasin

Maituturing ng election offense ng mga lokal na kandidato ang mga naiwan nilang campaign materials na wala sa itinakdang common poster area.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, bago pa man ang campaign period ay nagpaalala na sila sa mga lokal na kandidato tungkol sa ipinatutupad na batas.

Aniya, maliban sa wala ang mga ito sa common poster area, hindi rin sinunod ang tamang sukat na 3 by 2 feet ang bawat poster.


Bukod sa campaign poster, sinabi ni Jimenez na hindi rin nila palalampasin ang mga tarpaulin na may mukha o pangalan ng kandidato sa mga graduation at sa mga pag-aari ng gobyerno.

Facebook Comments