Mga campaign materials, ire-recycle ng MMDA

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang mga campaign materials na nakolekta pagkatapos ng halalan ay ire-recycle sa “ecobags” at “ecobricks”.

Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, nakipag-ugnayan ang environmental group na Ecowaste Coalition sa ahensya para makagawa ng ecobags mula sa nakolektang campaign materials.

Aniya, ishe-shred naman ang mga maninipis na tarpaulin sa granulator at gagawing sangkap sa paggawa ng hollow blocks at ecobricks.


Gagamitin aniya ang hollow blocks at ecobricks sa pocket parks na dine-develop sa Metro Manila.

Isang araw pagkatapos ng halalan noong Mayo 9, nakakolekta ang MMDA sa pamamagitan ng Operation Baklas ng 98 tonelada o 28 na trak ng campaign materials nitong May 10.

Habang noong Miyerkules, 154 tonelada o 43 na trak ng campaign materials ang kanilang nakolekta.

Facebook Comments