Manila, Philippines – Hiniling ng Commission on Elections (Comelec) sa Department of Health (DOH) na tanggalin ang mga campaign posters sa mga government hospitals.
Partikular na tinukoy ng poll body ang mga election posters ni dating Special Assistant to the President, senatorial candidate Bong Go sa Malasakit Centers.
Ito ay kasabay sa umiiral na ban sa mga propaganda materials na nakalagay sa government owned and controlled establishments.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon – wala dapat poster o imahe ng mga kandidato sa mga government building.
Ang Malasakit Centers ay isang one-stop centers na layong tulungan ang mga may health at medical concerns.
Facebook Comments