
Inaalam na ng Bureau of Customs (BOC) kung sino ang mga dealer ng pamilya Discaya ng mga luxury cars.
Sa panayam kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, may pagkakataon ang pamilya Discaya na ipakita ang mga kaukulang dokumento ng mga mamamahaling sasakayan para mapatunayan na dumaan ito sa tamang proseso.
Dagdag pa ni Comm. Nepomuceno, nagkusa ang pamilya na ibalik sa compound ng St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp. sa Pasig City ang mga luxury vehicles na subject ng search warrant.
Ito’y matapos ang babala ng opisyal sa pamilya Discaya na matutunton rin ang mga luxury vehices kahit pa itago nila ang mga ito.
Sinabi pa ni Comm. Nepomuceno, bukod sa 12 luxury vehicles, may dalawang iba pang mamahaling sasakyan ng pamilya Discaya ang hawak na ng BOC.
Paliwanag pa ng opisyal, inuna niya lamang ipinag-utos ang pag-apply ng search warrant sa 12 luxury vehicles dahil posibleng mahirapan ang BOC na matutunton ang mga sasakyan kung patatagalin pa ang operasyon.









