Mga casino, pinasisingil ng entrance fee

Manila, Philippines – Isinusulong ni Isabela Representative Rodito Albano ang pangongolekta ng entrance fee sa mga papasok at maglalaro sa mga casino.

Sakaling maging batas ang panukalang inihain ng kongresista, pagbabayarin na ng tatlong libong piso para sa entrance fee ang mga papasok sa casino at iba pang kahalintulad na establisyimento.

Layon nitong matiyak na ang sinuman at lahat ng taong papasok sa casino ay merong pera para magsugal at may kakayahan para gumastos ng salapi.


Ang perang makokolekta mula sa ibabayad sa entrance fee ay mapupunta naman sa special fund para sa pagpapatayo at maintenance ng welfare centers para sa mga kabataan sa ilalim ng DSWD.

Dagdag pa ni Albano, paraan din ito para ma-address ang pagiging lulong sa sugal ng mahihirap.

Ang hakbang ng kongresista ay kasunod ng pag-atake sa Resorts World Manila ng gunman na si Jessie Carlos na sinasabing naadik sa sugal at nabaon sa utang.
DZXL558

Facebook Comments