Mga Cauayeño at PNP Cauayan, Nakiisa rin sa Todas Dengue, Todo na’to!

*Cauayan City, Isabela*- Nakikiisa ngayon ang publiko sa paglilinis sa mga pangunahing lansangan sa Lungsod ng Cauayan na layong masugpo ang mataas na bilang ng sakit na dengue sa buong rehiyon.

Kasabay ito ng pagdedeklara ngayong araw ng Special Non-Working Hoiliday sa lahat ng pribado at pampublikong tanggapan sa buong Lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 Ifm Cauayan kay P/Capt. Esem Galiza, tagapagsalita ng PNP Cauayan, binigyang diin nito na hindi lamang sa araw ng pagdedeklara ngayon ang paglilinis ng mga kapaligiran kundi gawin ito araw-araw para maiwasan ang pagkakasakit na dengue.


Binigyan diin din ni Capt. Galiza na kinakailangan na maging responsible ang mga mamamayan sa palagiang paglilinis sa kanilang nasasakupan.

Hiniling din ni Capt. Galiza na sa pamamagitan nito ay masusugpo ang mataas na bilang ng mga nagkakasakit na dengue.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang paglinis sa mga pangunahing lansangan sa lungsod katuwang ang mga barangay officials at 98.5 iFM team.

Facebook Comments