Mga CCTV cameras at body cameras ng PNP, pinakalat sa mga strategic location para sa gaganaping SONA ng pangulo

Nakatutok ngayon ang hanay ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng kanilang command center sa Camp Crame sa kaganapan para sa huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Command Center, Deputy Director Col. Jerry Protacio, naka-deploy sa iba’t ibang strategic locations ang kanilang mga CCTV habang may mga pulis na nakasuot ng kanilang mga body-worn cameras para direktang ma-monitor ang mga kaganapan.

Paliwanag ni Protacio, real time ang kuha ng mga video at kung may mga untoward incidents na posibleng mangyari agad itong marerespondehan ng mga pulis.


Ipinakita ni Col. Protacio sa media ang latag ng kanilang monitoring.

Una nang inihayag ng PNP na aabot sa 15,000 mga tauhan ng PNP personnel ang naka-deploy ngayon sa National Capital Region (NCR) para tiyaking magiging maayos at payapa ang gagawing SONA ng pangulo mamaya.

Kanina, personal na nagsagawa ng inspection si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa mga pulis na naka-deploy sa may Batasan area para masiguro ang kanilang kahandaan.

Facebook Comments