Mga Cebuano, nakatikim ng sermon kay Pangulong Duterte kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cebu City

Sinermunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Cebuano dahil sa tila hindi pagsunod sa mga ipinapatupad na hakbang ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Nabatid na naitala sa Cebu City ang mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa, dahilan para ibalik ang lungsod sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa kanyang public address, prangkang sinabi ni Pangulong Duterte na ang titigas ng ulo ng mga Cebuano.


Dagdag pa ng Pangulo, hindi ito ang unang national emergency na mabagal kumilos ang mga Cebuano.

Umapela rin si Pangulong Duterte sa mga residente at mga lokal na opisyal ng lungsod na itigil na ang sisihan sa bawat isa.

Maiiwasan aniya ang sitwasyong ito kung nakinig lamang sila sa babala ng pamahalaan at sumunod sa quarantine guidelines.

Naniniwala rin ang Pangulo na lalala pa ang sitwasyon kung ipapaubaya pa rin niya sa mga local government officials ng Cebu City ang sitwasyon.

Gayumpaman, tiwala si Pangulong Duterte na malalagpasan ng Cebu City ang hamong ito.

Facebook Comments