Mga celebrity mom na buntis sa kanilang second baby, kilalanin!

Soon to be mother of two na ang singer at former actress na si Nikki Gil!

Kahapon nang i-share ni Nikki sa Instagram ang litrato niya kung saan makikitang abot-tenga ang ngiti niya habang nakahawak sa kaniyang baby bump.

Samantala, sa October 2021, isisilang na rin ng tinaguriang bossa nova singer na si Sitti ang kaniyang baby number 2!


Para sa singer, isang surprise gift mula sa Panginoon na mabiyayaan ulit sila ng anak lalo na’t mayroon siyang Polycystic Ovarian Syndrome at APAS.

Nagpaabot naman ng pagbati sa kaniya ang ilang celebrities gaya ni Miriam Quiambao na nagdadalang-tao rin para sa kanyang second baby.

Facebook Comments