Mga checkpoint sa boundary ng Marikina-Cainta at Marikina-San Mateo Rizal, mahigpit sa pagpapatupad ng ECQ guidelines

Nagmistulang paradahan ng mga sasakayan ang checkpoints ng mga boundary ng Marikina-San Mateo Rizal at Marikina Cainta sa unang araw ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila.

Alas-4:00 pa lang ng madaling araw ay nakapwesto na ang mga pulis sa mga nabangit na checkpoint.

Magkahiwalay ang pila ng mga motorisklo, bikers, mga pampubliko at pribadong sasakyan at delivery services.


Iniisa-isa ng mga pulis ang mga sasakayan kung ang sakay ba nito ay kabilang sa Authorized Persons Outside Residents o APOR at tinitingan din ang mga dokumento kung kabilang ba ang kanilang pinagtatrabahuhan sa pinayagang magbukas na industriya habang may ECQ.

Pakiusap naman mga pulis sa mga motorista na mula San Mateo Rizal at Cainta Rizal na papasok sa Metro Manila na dadaan sa Marikina na ihanda na ang kanilang mga dokumebto at ID upang di na sila tumagal sa may checkpoint.

Pero dahil unang araw pa lang ito, nagbibigay pa ng konsiderayon ang mga pulis doon sa mga APOR na ‘di pa kompleto ang dokumento, pero sa susunod na araw anila hindi na nila ito pagbibigyan.

Ang Marikina-Cainta at Marikina-San Mateo Rizal ay isa mga major checkpoint na binabantayan ng mga pulis ngayong panahon ng ECQ.

Facebook Comments