Mga Chief of Police, muling inalerto ng JTF COVID Shield para bantayan ang mga lumalabag sa health protocols

Siniguro ng Joint Task Force Covid Shield (JTF CV Shield) na hindi nila tatantanan ang mga pasaway na lumalabag sa health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, may ilang mga lugar na tila nakakalimutan ng may virus at hindi nakaka-adjust sa ‘new normal’.

Kabilang na rito ang mga palengke at terminal ng tricycle na wala ng social distancing.


Kaya naman, muli niyang inalerto ang mga Chief of Police na bantayan ang kanilang Area of Responsibility.

Kailangan aniyang ikutan ang mga pambublikong lugar, sitahin ang mga lalabag sa health protocols para hindi pamarisan.

Kaugnay nito, muli namang pinayuhan ni Eleazar ang publiko na sa halip na mainip dahil sa ipinatutupad na community quarantine, mas mainam na alagaan pa rin ang sarili at huwag kalimutan ang mga safety protocol tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask, pagpapatupad ng physical distancing at pagpapanatili ng kalinisan ng katawan maging ng kapaligiran.

Facebook Comments