Mga chief of police, pinaghahanda sa posibleng pagpapatupad ng granular lockdown

Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa mga police commanders na maghanda para sa posibleng pagpapatupad ng granular lockdown sa ilang areas sa bansa na may mataas na kaso ng COVID-19.

Partikular na paghahanda na pinapagawa sa kanila ay makipag-ugnayan muli sa mga Local Government Units para matukoy ang mga measures na kanilang gagawin para sa granular lockdown na posibleng gawin sa susunod na buwan.

Sinabi pa ni Eleazar na makakatuwang ng mga police ang mga barangay officials sa maayos na pagpapatupad ng granular lockdown.


Pinaghahanda rin ni PNP chief ang mga police offices sa deployment ng mga tauhan sakaling maipatupad na ang granular lockdown.

Umaasa si PNP chief na sa ganitong paraan ay makakatulong ito para mapababa ang infection rate at eventually ay mailigtas ang mas maraming bilang ng mga Pilipino na mahawaan ng nakakamatay na virus.

Facebook Comments