MGA CHILD LABORERS, NABENEPISYUHAN NG PROJECT ANGEL TREE

Nasa kabuuang 75 na mga natuloy na child laborer ang nabenepisyuhan ng Project Angel Tree ang Department of Labor and Employment Regional Office 2 (DOLE RO2) sa Solana, Cagayan.

Ang nasabing proyekto ay pinagunahan ng DOLE R2 katuwang ang Junior Chamber International (JCI) Tuguegarao Ybanag Chapter, Department of Health (DOH) RO2, and LGU Solana, Cagayan sa pamamagitan ng kanilang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Rural Health Unit and the Public Employment Service Office (PESO).

Ang mga natukoy na benepisyaryo ay mula sa Barangay Gadu, Iraga, Malacabibi, Sampaguita, Northeast at Dassun sa naturang bayan.

Ang Project Angel Tree ay bahagi ng DOLE Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) na nagbibigay ng mga serbisyong panlipunan katulad ng feeding program, pagbibigay ng paaralan, damit at mga gamot sa mga child laborer.

Hinihikayat din ng proyekto ang mga bata na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at umiwas sa mga mapanganib na gawain na maaring magdulot ng ilagay sa panganib ang kanilang buhay at kalusugan.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Solana Mayor Jenalyn Cara gang DOLE RO2 sa pagbili ng kanilang munisipalidad bilang benepisyaryo.

Ipinahayag din ni Regional Director Joel M. Gonzales ang kanyang pasasalamat sa LGU Solana at iba pang katuwang mula sa private sector para sa kanilang tuloy-tuloy na suporta sa programa.

Aniya, dapat ma-enjoy ng mga bata ang kanilang kabataan at hindi dapat binibigyan ng mga magulang ng ng pasanin sa pagtatrabaho sa kanilang mga anak.

Binigyang-diin naman ni Technical Support Services Division (TSSD) Chief Laura Diciano sa kanyang mensahe na dapat unahin ng mga bata ang kanilang pag-aaral at hindi dapat magtrabaho sa murang edad.

Tumanggap ang benepisyaryo mga school supplies at grocery items mula sa DOLE.

Samantala, nagsagawa rin ng sabay-sabay na aktibidad katulad ng palaro para sa mga child laborers, medical mission, at TUPAD profiling para sa mga magulang/guardian at oryentasyon para sa TUPAD at CLPEP.

Isinara ni DOLE Cagayan Field Office Chief, Grace Pomar ang programa sa pamamagitan ng mensahe, at sinabi na ang bawat bata ay may karapatang magpahinga at maglibang, maglaro at makisali sa mga aktibidad na libangan na angkop sa kanilang edad.

Facebook Comments