Binigyang pansin ang mga naitalang child laborers o mga batang manggagawa sa bayan ng San Manuel, at tinututukan ng lokal na pamahalaan ng bayan na may layong matuldukan ang talamak na child labor sa bansa.
Alinsunod dito, napabilang ang mga magulang ng walong child laborers sa naging benepisyaryo ng sari-sari store project sa pakikipag-ugnayan ng LGU San Manuel sa Department of Labor and Employment (DOLE) Rosales Field Office.
Ipinamahagi ang sari-sari store package na binubuo ng mga sari sari products na maaaring maging simula ng kanilang magiging hanapbuhay at nang hindi na kinakailangan pa ng mga batang manggagawa ang kumayod upang makahanap ng pangkain sa murang edad.
Nangako naman ang lokal na gobyerno na kanilang gagawin ang mga maaari pang solusyon nang mapigilan ang kaso ng pagtaas ng bilang ng mga child laborers hindi lamang sa bayan ng San Manuel, gayundin sa buong lalawigan ng Pangasinan at sa buong bansa. |ifmnews
Facebook Comments