Mga Chinese, hindi dapat payagang magtrabaho sa gambling firms sa Pilipinas

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na huwag payagang makapagtrabaho sa bansa ang mga Tsino para sa offshore gambling firms.

Ayon kay Robredo – malaking insulto ito sa mga Pilipino na pinapahintulutan ng gobyerno ang Chinese workers na magtrabaho ng ilegal sa Pilipinas.

Dapat aniya maging transparent ang gobyerno pagdating sa polisiyang ito.


Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maaaring magtrabaho ang mga Tsino sa bansa, kung may mga trabaho na hindi kayang gawin ng mga Pilipino.

Giit ni Bello, ang mga Pilipino ang ipinaprayoridad ng gobyerno para sa mga available na trabaho sa bansa.

Matatandaang iniimbestigahan ng city government ng Puerto Princesa sa Palawan ang operasyon ng Octofox IT Solutions, na sangkot sa illegal online gambling.

Lumalabas din sa ulat na nasa 260 Chinese workers ang pumasok sa bansa na walang visa at nananatili sa 12 hotel at inn sa lalawigan.

Facebook Comments