Yan ang masidhing sigaw ng ibat ibang militanteng grupo na nagkilos protesta sa konsulada ng China sa Gil Puyat Ave, Makati city.
Ito’y kasabay narin ng ika-77 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.
Bitbit ang mga placards na may Chinese characters at watawat ng Pilipinas sinugod ng mga militanteng grupo, estudyante, siklista, mga katutubo at sr citizens ang Chinese Consulate.
Sigaw ng mga nagpprotesta ang mariing pagtutol nila sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea sa kabila ng pagkakapanalo ng Pilipinas sa territorial despute nuong 2016.
Tinututulan din ng mga militante ang pagdami ng mga manggagawang Chinese sa Pilipinas na para sa kanila, kulang na nga ang trabaho kinukuha pa ng mga Chinese.
Samantala, hindi namang pinayagang makalapit ng Makati city police ang mga militanteng grupo sa konsulada ng China.
Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar dahil sa nasabing kilos protesta.