Mga Chinese vessels sa Pag-Asa Island dapat nang umalis ayon sa Palasyo

Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na dapat nang umalis sa Pagasa island ang mga Chinese Vessels na nananatili doon.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ito ang dahilan kung bakit naghain ang Department of Foreign Affairs ng diplomatic protest laban sa China dahil hindi dapat nasa lugar ang mga barko ng China.

 

Sinabi ni Panelo na hindi basta basta mangingisda ang sakay ng mga barko na sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kahapon kundi mga Militiamen na ayon naman sa report ng Armed Forces of the Philippines.


 

Matatandaan na kahapon ay sinabi ni Ambassador Zhao na iniimbestigahan narin nila ang umanoy pagtataboy sa mga pilipinong manigingisda sa pag-asa island.

Facebook Comments