Mga Chinese, welcome pa rin sa Pilipinas – PBBM

Iniimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga Chinese national na bumisita, mag-aral at maglagak ng negosyo rito sa bansa.

 

Ang imbitasyong ito, ayon sa pangulo ay sa pagbabalik ng new normal na sitwasyon sa China sa harap na rin ng nararanasang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

 

Sa departure message ng pangulo, sinabi nitong mahalagang manatili ang pagkakaibigan sa mga Chinese at mapalakas ang people to people exchange para mas magka-unawaan ang bawat bansa.


 

Ang panawagang ito ay sa harap ng pagsusulong ng pangulo na maibalik na ang sigla ng turismo at cultural cooperation sa pagitan ng China.

 

Ang state visit ng pangulo sa China ay kaniyang kauna-unahang biyahe sa non-ASEAN country.

Taong 1976, nang tumungo rin noon ang pangulo sa China para sa kaparehong event kasama ang kaniyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

Kaya para sa pangulo, ikinokonsidera niya ang biyaheng ito sa China na pagpapatuloy ng kanilang legacy na pagpapalakas ng magandang relasyon sa pagitan ng China.

Facebook Comments