Mga civil society organizations, pinakukuha ng DILG ng PNP clearance bago payagang tumulong sa local COVID-19 efforts

Para matiyak na lehitimong Civil Society Organizations (CSO) ang makakatuwang ng mga lokal na pamahalaan sa COVID-19 response at recovery efforts, itinakda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkuha muna ng mga CSOs ng clearance mula sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece Jr, layon nito na makasiguro na ang mga CSOs na makakatrabaho ng mga LGU ay tunay na nais makatulong sa gobyerno at sa mga mamamayan.

Kabilang sa mga private sector organizations na ito ay nagboluntaryong tumulong sa barangay para sa contact tracing, public information campaign sa “Disiplina Muna”, sa values formation training, at capacity building activities patungkol sa livelihood opportunities.


Ayon kay Florece, nakarating sa kanilang kaalaman na may ilang CSO ang kunwari ay gustong makatulong at makikipagpartner sa gobyerno pero scam o mayroong hidden agenda.

Facebook Comments