Hindi na kailangan pang armasan ang mga sibilyan na anti-crime volunteers.
Ito ang iginiit ng Commision on Human Rights (CHR) matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng mga baril ang mga miyembro ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers sa kaniyang naging talumpati.
Paliwanag ng pangulo, ang mga kriminal dapat ang mamatay at hindi ang mga sumusugpo ng krimen kung kaya’t nais niyang humingi ng tulong sa mga volunteer upang ipatupad ang batas.
Ayon naman kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, sapat na ang Philippine National Police para magpatupad ng batas at naniniwala din aniya sila na maayos nilang magagampanan ang tungkulin nang hindi na kailangan pang makompromiso ang karapatang pantao.