Mga Claimants sa West Philippine Sea, pinabubuo ng framework o kasunduan para hindi na maulit ang insidente sa Recto Bank

Hinikayat ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano ang claimant countries sa West Philippine Sea na bumuo ng framework at lumagda sa isang kasunduan para hindi na maulit ang insidente ng banggaan sa pagitan ng isang Chinese vessel at bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.

Ayon kay Cayetano, kailangang magkaroon ng kooperasyon sa pagitan ng China, Pilipinas, Malaysia, Vietnam at Brunei Darussalam para masiguro ang kaligtasan ng sinumang maglalayag sa pinag-aagawang teritoryo.

Iginiit rin nito na hindi dapat ituring na pangkalahatang responsibilidad ng Chinese Government ang nangyaring pagbangga sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy noong June 9.


Magkaiba aniya ang aksyon na sinadya ng isang grupo tulad ng mga tripulanteng sakay ng barko ng China mula sa isang bansa sa kabuuan kaya hindi dapat isisi ang insidente sa lahat ng mga Chinese.

Gayunman, kumbinsido si Cayetano na hindi lamang ito ordinaryong insidente ng collision dahil tiyak na may Geopolitics na umiiral o mayroon umanong gustong manggulo sa isyu.

Facebook Comments