Pinataasan na ang mga classroom sa bahagi ng Bonuan Boquig Elementary kung saan nakakaranas ng pagbaha.
Ang pagpapataas sa mga ito ay mula na rin sa inisyatibo ng paaralan katuwang rin ang PTA officers o mga magulang habang okal na pamahalaan na rin ang nagbahagi ng mga materyales na ginagamit sa pagsasagawa nito.
Natapos nang mapataas ang ilan sa mga classroom at ngayon ay tinutuloy ang iba pang kailangan mapataas upang hindi na maabutan pa ng tubig baha at maayos na makapag-aral ang mga estudyante.
Ang nasabing pagpapataas sa mga classroom ay malaking ginhawa hindi lamang para sa mga guro kung hindi lalo na sa mga magulang at mga estudyanteng kailangan ng mas maayos na lugar para makapag-aral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









