Posibleng hindi na gamitin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga classroom bilang polling precinct tuwing eleksyon.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nakita nila na mas convenient ang pagboto sa mga mall matapos ang pilot test ng mall voting noong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Dagdag pa ni Garcia, walang karagdagang expenses ang pagsasagawa ng mall-voting dahil libreng ipinapagamit ito ng mga may-ari.
Nauna nang sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary at Vice President Sara Duterte na ang DepEd ang nagbabayad ng kuryente, tubig at maging mga sira sa mga paaralan tuwing magsasagawa ng halalan.
Nitong BSKE 2023, nasa 11 malls sa Metro Manila, Albay at Cebu City ang kasali sa pilot testing ng mall voting.