Mga Classrooms Sa Abra, Ipapaayos Ng Team Galing At Puso Tandem

10

MANILA – Target ni Team Galing at Puso Sen. Chiz Escudero at Sen. Grace Poe magpatayo at ipagawa ang mga classrooms sa probinsiya ng Abra.Ayon kay Escudero, 1500 classrooms ang kanilang isasaayos para mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang lahat ng kabataan.Bukod sa mga classroom, maglalaan din ng pondo para sa pagpapaganda at pagdaragdag ng mga day care room para matugunan ang pangangailangan ng lumalaking bilang ng mga bata sa 27 siyudad at bayan na bumubuo sa probinsya.Kabilang sa mga gagawin ng administrasyon ng “Gobyernong May Puso” sakaling manalo ay ang paglalaan ng pinakamalaking pondo para sa edukasyon.Ito ay tulad ng ginawa ni Escudero nang siya pa ang chairman ng Senate Committee on Finance.

Facebook Comments