Mga closed-setting at care facilities sa Quezon City, ininspeksyon ng QC government kung nasusunod ang tamang ventilation

37

Inihayag ngayon ng Quezon City government na mahigit isang daang closed-setting at care facilities sa lungsod ng Quezon ang nainspeksyon na ng Department of Building Official (DBO) ng Quezon City Hall.

Ginawa ito ng DBO para makatiyak kung nasusunod ang guidelines ng tamang ventilation ng bawat establisyimento.

Ito ay bahagi ng pandemic response efforts ng lungsod at mapigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 virus.


Nitong mga nakalipas na buwan ay may mga kumbento at seminaryo at ilan pang care facilities sa lungsod ang apektado ng transmission ng COVID-19 at ilan ang namatay na.

Facebook Comments