Mga clustered precinct na nabilang ng PPCRV, higit 90% na

Umaabot na sa 92% ng mga clustered precincts ang nabilang ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ibig sabiin nito, nasa 99,160 na clustered precincts ang nabilang na mula sa kabuuan na 107,785.

Mula ito sa nakuhang datos kaninang alas-2:32 ng umaga.


Kaugnay nito, nangunguna pa rin sa presidential race si dating Senador “Bong bong” Marcos Jr., na nasa 29,319,865 na sinundan ni Vice President Leni Robredo na nakakuha ng boto na aabot sa 13,986,496.

 

Habang sa pagka-bise presidente ay nangunguna pa rin si Mayor Sarah Duterte na may 29,554,604 kung saan sinusundan siya ni Sen. Kiko Pangilinan na may 8,724,776.

Nangunguna naman sa pagka-sekador si Robin Padilla na sinundan nina Loren Legarda, Raffy Tulfo, Win Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar, Allan Peter Cayetano, Migz, Zubiri, Joel Villanueva, JV Ejercito, Risa, Hontiveros at Jinggoy Estrada.

 

Facebook Comments