Isinusulong ang kahandaan ng mga komunidad sa Ilocos Sur na malapit sa baybayin mula sa banta ng lindol at tsunami.
Sumailalim ang 360 personnel ng Disaster Risk Reduction and Management Office at opisyal sa mga barangay ng Cabugao,Magsingal, Santo Domingo,San Juan, Narvacan, Santa Catalina, San Esteban, Caoayan,Santiago, Santa,Sinait,Santa Lucia, Sta.Cruz, Tagudin, Vigan City at Candon, sa paghahanda sa kanilang mga nasasakupan at kaalaman sa pagresponde sakaling makaranas ng sakuna.
Tinanggap din ng mga lumahok ang emergency go bags na naglalaman ng first aid kit, flashlight at whistle kabilang ang mga poster na may kinalaman sa tsunami.
Positibo ang Pamahalaang Panlalawigan sa epekto ng pagtitipon sa kahandaan ng bawat komunidad sa mga sakuna sa pakikipag-ugnayan sa iba pang sangay ng gobyerno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










