Manila, Philippines – Duda ang Claimants’ group Coco Levy Fund sa intensyon ng Duterte administration sa pagpapalabas ng bahagi ng 80 billion na coco levy fund para sa kapakinabangan ng mga magsasaka ng niyog.
Tinawag ni Jonathan Moico , tagapagsalita ng CLAIM-Bicol na rubberstamp congress ang kasalukuyang balangkas ng kongreso na nagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng House Bill 5745 o Coco Levy Fund Bill.
Nangangamba ang grupo na mapunta lamang sa mga oligarch na malapit kay Duterte ang coco levy fund.
Malamang ayon kay Moico ay maulit lamang ang nangyari sa nakaraan na kinulimbat lamang ang coco levy fund sa halip na magamit sa kapakinabangan ng mga coco farmers.
Isinusulongng mga grupo ng coco farmers na sa halip na isapribado ang assets ng coco levy fund, gamitin ito sa social benefits ng mga benepisaryo tulad ng pension, education and scholarship benefits, hospitalization and medical assistance, maternity benefits at tulong pangkabuhayan.