Mga cold storage at bodega, binabantayan na ng DA at DILG

Katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay binabantayang mabuti na ngayon ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI) ang cold storages at bodega para sa mga produktong agrikultural tulad ng mga sibuyas.

Inihayag ito ni DA-BPI Director Gerald Glenn Panganiban sa briefing ng House Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Quezon City 1st District Rep. Mark Enverga.

Nakatuon ang talakayan sa estado ng industriya ng sibuyas sa bansa partikular sa labis na pagtaas ng presyo nito.


Sabi ni Panganiban, dapat nakarehistro ang mga cold storage warehouse kung saan inilalagak ang mga produkto para maiwasan ang mga espekulasyon o haka-haka at para malinaw ang impormasyon sa ukol sa mga produktong nakalagak dito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Panganiban ang pangangailangan na madagdagan ang mga cold storage para mas matulungan ang mga magsasaka.

Facebook Comments