Manila, Philippines – Aabot sa 70 colorum na tricycle at pedicab ang kinumpiska sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) head Dennis Alcoreza, nasa 25,000 traysikel ang namamasada sa buong Maynila pero 1,500 lang ang may prangkisa.
Payo naman nito sa mga may colorum na tricycle, pumunta sa Manila Tricycle Regulatory Office para mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay.
Sinabi pa ni Alcoreza, na inumpisahan na nila ang pagpaparehistro sa mga pedicab.
Aniya, sa 12,000 na pedicab naman, 1,200 lang ang nabigyan ng permit ng lokal na pamahalaan.
Target ng MTPB na limitahan sa 10,000 ang tricycle at 6,000 ang mga pedicab sa lungsod pagsapit ng Oktubre.
Facebook Comments