Mga communication equipment ng PNP, pinuna ni Pangulong Marcos

 

Pinuna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga kagamitan ng Philippine National Police (PNP) na masyadong mababang uri, partikular ang mga kagamitang pangkomunikasyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, maging ang mga digital at tactical radio ng PNP na nasa 32% hanggang 33% ay hindi umano nakaabot sa 40% na standard.

Nabatid na hanggang nitong Pebrero ay hindi pa nangangalahati ang PNP sa mga kailangang kagamitan sa komunikasyon at hindi pa kompleto ang pagbili sa 18 units ng repeaters, satellite phones at iba pa sa ilalim ng PNP Capability Enhancement Program.


Dahil dito ay inatasan ni Pangulong Marcos Jr., ang PNP na bumili ng mas maayos na kagamitan sa komunikasyon para pahusayin ang kakayahan at interoperability nito sa panahon ng krisis.

Utos din ng pangulo sa PNP na pag-aralan ang paggamit ng iba pang-communication equipment na angkop sa lokal na sitwasyon at ang mga ginagamit ng police forces sa ibang bansa na maaaring i-adapt ng Pilipinas.

Mahalaga aniya na mayroong agarang responde at makapag-report agad lalo na sa mga emergency situations.

Facebook Comments