MGA COMMUTER SA PANGASINAN, PABOR SA PISONG DAGDAG PASAHE SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN

Pabor ang ilang mga commuter sa lalawigan ng Pangasinan sa karagdagang piso na pamasahe sa mga pampublikong sasakyan na plano nang maimplementa sa buong bansa sa wala pang tukoy na petsa.
Anila, naiintindihan daw ng mga ito sentimyento ng mga drivers at operators lalo na at naranasan ang pagsirit ng presyo ng produktong langis sa mga nakaraang linggo.
Nagmamahalan na rin daw ang mga bilihin sa merkado ngayon kaya maigi raw ang fair increase para kahit papaano ay maibsan ang hirap ng mga kabilang sa transport sector.

Bagamat may karagdagang pasahe ay aminado ang ilan sa mga commuters na hindi raw striktong nasusunod ang minimum fare ngayon dahil sadyang ang ibang pasahero ay hindi umano nagbabayad ng tama.
Dagdag pa ng ilan na malaking bagay ang pagkakaroon ng updated fare matrix upang masiguro na walang dayaan at lamangan sa pamasahe. |ifmnews
Facebook Comments