Idinaan sa social media ng mga na-late na mga commuters at mga estudyanteng papasok sa kanilang mga eskwelahan ang kanilang reklamo at nag post ng kani-kanilang mga naranasan sa gitna ng trapiko sa ilang pangunahing daanan sa Dagupan City.
Ang ilang mga commuters na na-perwisyo ng mahabang daloy ng trapiko ay galing sa Mapandan, San Fabian, Manaoag, at Mangaldan bound to Dagupan.
Naranasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng M. H. Del Pilar, AB Fernandez St. At sa Junction Area.
Ang mga motorista lalo ang mga tsuper ay naghahanap ng alternatibong ruta para lamang masubukan na maihatid ang mga pasahero ng mas maaga at para makaiwas sa bumper to bumper na traffic na umabot hanggang halos isang kilometro ang haba.
Ayon naman sa POSO Dagupan, kaya umano nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko kahapon ang mga motorista ay dahil sa isang jeep na natanggalan ng gulong sa gitna mismo ng ginagawang kalsada ngunit kahit pa ay nakararanas naman talaga daw ng mabigat na daloy ng trapiko sa Dagupan tuwing rush hour dulot ng kasalukuyang isinasagawang daanan. |ifmnews
Facebook Comments