Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na sa panahong ito na matindi na talaga ang problema sa trapiko sa Metro Manila ay napapanahon na para mag isip ng ibang paraan para hindi maperwisyo sa mala-usad pagong na trapiko.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon nang mayamang negosyante ang naghayag ng interes na mag donate ng pondo para sa dag-dag na ferry boats.
Ito ay matapos makita ang potensyal ng ferry rides sa pasig river para gawing alternatibong masasakyan sa halip na magtiis sa matinding trapik sa kalsada lalo na sa EDSA.
Sinabi ng Pangulo na naaawa na siya sa mga pilipino lalo na sa mga ordinaryong pilipino na araw2 tinitiis ang traffic makapasok lamang sa trabaho.
Kaya naman para maibsan ang traffic, hinikayat nitong tangkilikin ang mga sea jeepney.
Nito lamang Lunes inilunsad ng dotr ang ferry boat o sea jeepney na biyaheng Manila-Cavite- Manila at Lawton-Cavite Lawton kung saan kaya nitong tahakin ang mla to cavite & vice versa ng 15minuto.