Nagpahayag ng samu’t saring saloobin ang mga commuters kaugnay sa inimplementang provisional fare increase o ang dagdag piso epektibo noong October. 8 sa buong bansa.
Ang ilan ay naging pabor sa dagdag pisong pamasahe bilang pambawi umano ng mga operators sa nawala nilang kita noong mga sunod sunod na linggong naranasan ang taas presyo sa krudo.
Simpatya na rin umano sa mga ito dahil hindi naman lahat ay nabigyan din ng tulong pinansyal na fuel subsidy mula sa gobyerno, gayundin ang pagkonsidera ng nagmamahalang mga pangunahing bilihin sa merkado.
Ang iba naman ay pabor dahil wala naman umano magagawa ang mga ito lalo na at araw araw silang nagcocommute para pumasok at magtrabaho.
Habang ang iba ay hindi sinang-ayunan ang dagdag piso dahil masyado na raw umano mataas ang minimum fare. Dagdag pa ng mga ito na kung buo raw minsan ang ibinibigay na perang pambayad, hindi na binabalik ang piso o dalawang pisong sukli.
Samantala, ilan namang mga PUV operators sa lalawigan ng Pangasinan ay hindi pa naniningil ng fare increase at baka umano sa susunod na mga araw pa magtataas singil ang mga ito. |ifmnews
Facebook Comments