MGA COMMUTERS SA PANGASINAN, HINDI PA RAMDAM ANG DAGDAG PISONG TAAS PASAHE

Hindi pa ramdam ng ilang mga commuter sa lalawigan ng Pangasinan ang ipinatupad na provisional fare increase o ang pisong dagdag pasahe sa mga Public Utility Vehicles.
Ayon sa nakapanayam ng IFM Dagupan, hindi pa raw naman ito sinisingil ng mga operators o conductor ng dapat sanang minimum fare para sa isang regular na pasahero.
Matatandaan na ang minimum fare na sa mga tradisyunal na jeep ay P13 pesos, habang sa mga modernized jeepney ay P15.

Bahagya namang ikinatuwa ito ng mga commuters at susulitin umano dahil baka sa mga susunod na araw ay mapatupad na ito sa kanilang mga sinasakyang pampasaherong sasakyan.
Malaking bagay na raw ang piso kaya’t panawagan pa ng mga ito na sana ay hindi umano magtaas pa ang singil sa pasahe lalo na ngayon na mataas na rin ang presyo ng mga bilihin sa merkado. |ifmnews
Facebook Comments