Sunday, January 25, 2026

Mga company ID, hindi na tatanggapin ng Comelec para sa voter’s registration

Limitado na lamang sa IDs na galing sa gobyerno ang tatanggapin ng Commission on Elections (COMELEC) sa bubuksang voters registration sa February 12.

Ito ang abiso ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na nagsabing maglalabas sila ng amended guidelines hinggil dito.

Ayon kay Garcia, hindi na papayagan ang ID na galing sa mga pinapasukang kumpanya para makapagpatala bilang botante.

Kasabay nito, inihayag ni Garcia na ipatutupad na sa maraming lugar sa bansa ang Register Anywhere Program.

Gagawin aniya ito sa mga highly urbanized cities and municipalities gayundin sa mga kapitolyo ng mga lalawigan.

Una nang isinagawa ang RAP noong 2022 sa ilang malls, unibersidad at tanggapan ng gobyerno, kung saan nakapagparehistro sa Metro Manila, Bicol at Central Visayas ang mga botante na residente sa ibang lugar.

Facebook Comments