Aminado si Anti-Red Tape Authority (ARTA) Secretary Ernesto Perez na kaunti pa lang ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ang compliant sa electronic Business One-Stop Shop (eBOSS).
Aniya, labing-isang LGU pa lamang sa Metro Manila ang fully complied at ang limang iba pang LGU ay partially automated na.
Target ng ARTA na maitaas sa 120 ang bilang ng mga compliant sa eBOSS.
Inihalimbawa nito ang 4th level LGU sa bansa na San Roque, Eastern Samar, pero ito ay partially automated na.
Sinabi ni Perez na tinutulungan ng ARTA ang ibang LGU na mabigyan ng mga computers at trainings sa tulong ng Aboitiz at Meralco upang makapag-comply ang mga LGU na hindi pa fully automated.
Facebook Comments